Friday, October 30, 2009

Remembering Father Kristo X (RIP?)




SICK VIDEO of THE DAY... ONIN TAGARO dances on THE ITCHY WORMS' MV "FREAK OUT"


Watch Mr. Onin Tagaro as he booty shakes his way into stardom on this Itchy Worms vid for the song "Freak Out"... Also featured on this vid are Cyndi Kurleto and Lourd Ernest DeVeyra.




Gift Ideas For the Man of Your Dreams...

BANDAGES...
STRIPED SHIRTS...
AIZA...

Sick Picture of The Day... (10/31/09)


REPENT MR. ONIN TAGARO!

Thursday, October 29, 2009

Wasak Gift Ideas For The Holiday Season

Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, ikaw ba'y namumrublema sa ipan-reregalo sa iyong mga kaibigang Tunay Na Lalake? Regalo din ba ang problema mo pag malapit na ang birthday ng iyong mga homies?


PWES, 'wag nang malungkot dahil heto ang mga gift ideas na siguradong makapagpapasaya sa inyong mga kaibigang macho at cool na cool.

1. Unisilver o Silverworks shit... Kahit sinong pogi ay mas pu-pogi lalong lalo na kung mayroon siyang suot na bracelet at kuwintas na silver. Dahil dito mags-stand out ang iyong mga ka-bro sa tuwing iinom kayo sa meatshop (Xavierville). Siguradong kaiingitan ng mga di gaanong Tunay Na Lalake ang tropa mong Tunay Na Lalake sa oras na mapansin nila ang kakaibang appeal ng tropa mo sa mga chikas sa paligid.

2. Cross training shoes, na may shit sa suwelas (Nike, Asics o New Balance).... Bagay na bagay sa mga boys night out. Patok sa mga chicks lalo na kung ipapares sa malaking t-shirt at maong o khaki na shorts.
3. Hairwax at gel...Siyempre, mas maangas at matikas ang dating ng kahit sinong naka-spike na buhok o mullet kung matigas ito. Siguradong hahabulin ng chicks ang tropa mo at matutuwa siya sa iyo.
4. Salamin na makapal ang frame... Nakakadagdag ng mysterious at intellectual na dating sa kakisigan ng parekoy mo. Siyempre na digs na digs ng mga chicks ang sinumang mala-Superman.

6. Hair wax at Gel uli... Para pag-naubos ang stock niya, meron pa for emergencies.
7. At siyempre, REDHORSE beer.... Ang pinaka-magandang inumin kung may kasama ang tropa mong mga chicks. Tama ang tama, dahil ito ang tama. Ngunit hinay-hinay lang dahil ang tama ay sa tiyan inilalagay, hindi sa ulo at lalung-lalo nang hindi sa mga toilet bowl, hagdan at sahig ng mga tambayan sa Katipunan.
Ngayon alam mo na kung ano ang mga bagay na digs ng mga tropa mong Tunay Na Lalake!

Siguradong sa paskong darating o sa mga susunod na bertdeyan ay magiging kumpleto ang male bonding, magiging bida ka sa kanilang mga pusong maton at mas mapapalapit ka sa mga mahal mong tropa sa tunay na makalalakeng paraan!

WASAK HOW TO's... How to make a GENIUS

HOW TO MAKE A GENIUS:

1. KUMUHA KA NG PINYA- Ang pinya ay maraming mata, kung kaya't ito ay isang keen observer. Maasim din ito, pero sweet din minsan.

2. KUMUHA KA NG ISANG ALAGAD NG SINING AT PUNDASYON NG PELIKULANG FILIPINO- Mukhang kontrabida at nakakatakot ang boses, ngunit may angking telento sa sining ng pag-arte at pag-direk sa mga pelikula

3. Paghaluin ang Pinya at ang Johnny Delgado.

AT MERON KA NANG......



GENIUS

Tuesday, October 27, 2009

Landmarks in Emo History..The Late '80s

In the late 1980's Ana of Fire revolutionized LGBT pride by inventing the Emo Haircut.

Before:




After:

All Saints Day Edition: Isang Taong Di Dapat Limutin ng Panahon... PAOLA LUZ

Paola Luz Trivia:

Si Paola Luz ay lumabas at umawit sa isang patalastas ng electric fan dati.

Bukod kay Lolit Solis, si Paola Luz ang nagpasikat at naglagay ng iconic na Butch Mullet sa Filipino collective consciousness.

Si Paola Luz ay mas Tunay Na Lalake kaysa sa Tunay Na Lalake blog dahil bata pa ang mga Tunay Na Lalake author nung sumikat siya, at ang mga Tunay Na Lalake ay di dumadaan sa pagkabata.

Ang anak ni Vic Sotto na si Paulina ay ipinangalan sa kanya. Dahil kapatid ni Paola Luz ang ina nitong si Angela Luz.

Nasawi si Paola Luz dahil sa cancer.


Paola Luz...You are missed.

Sick Pictures of The Day... (10/27/09)



Butch Mullets...Macho

Friday, October 23, 2009

So long, and Thank You For All The Fish.... 3/09-10/09


Bangkay: Tunay na Lalake


Dahil ang Tunay Na Lalake ay di nagr-reply, laging matigas at walang emosyon
-DK aka Kapitan Rakenrol

Wednesday, August 12, 2009

Dagang Kanal

Dagang Kanal (j.luna)


Nagising ang buong barangay nang basagin ang katahimikan ng mga sigaw at atungal ni Aling Baby, ang kapitbahay naming bagong panganak.

Mula sa aking pagkakahimbing, ako'y biglang napabangon-
naalarma sa malakas na sigaw na narinig, at tulad ng mga kapitbahay ay lumabas din ako upang rumesponde sa sigaw ng saklolo.


Pagdating sa bahay ng bagong ina ay nalaman ko ang dahilan ng kaguluhan-
nilalapa pala ng mga dagang kanal ang bagong panganak na sanggol ni Aling Baby.

Di-magkandaugaga ang mga taong bayan dahil sa milyun-milyong dagang kanal na nagkukumpulan at nagpipiyesta sa ngayo'y gutay-gutay nang katawan ng sanggol.

Milyun-milyog dagang kanal-
isang kumikilos na dagat ng maiitim, nakakalbo, mabaho at nakakapandiring mga dagang kanal na di kayang itaboy ng kahit anong hampas at palo mula sa mga patpat, pala at walis na dala ng mga takot na kapitbahay.

Kitang-kita ko ang lahat mula sa aking kinatatayuan.

"Wasak", ang unang salitang pumasok sa aking isipan.

Biglang naalala ko na may pasok pala ako, kaya naisipan ko nang sumibat.

Mapaglaro ang tadhana-
timing na timing ang sigaw ni Aling Baby na ilang minuto lang ang agwat sa oras na nakaset sa alarm clock ko para mag-alarm--
ang oras upang gumising at harapin ang isang panibagong araw.

Mahal ko ang trabaho ko, ayokong ma-late.


Sa daan pauwi may umover-take sa akin na dagang kanal na malaki, mataba at nanlalagas ang balahibo at may tangay-tangay na kapirasong lamang-loob sa kanyang bibig.

Sa pagkaripas nito, aking napuna na may naiwan ito sa daan.

Lumapit ako sa bagay na kanyang nalaglag; ako'y yumuko at nakita ko na ito’y ang putol na etits ng sanggol-
lasug-lasog ito at halos di na makilala dahil sobrang duguan.

Sa aking pagtayo aking napuna na ang ganda pala ng araw habang sumisikat ito sa silangan,
at sa kanto malapit sa aking bahay ay nakapuwesto na ang kariton ng mamang naglalako ng pares at mami.

Tuesday, August 11, 2009

Carlo J. Caparas Must Die! Rally sa CCP- NCCA (Mula kay Elmer Acebedo)



















National Artist Awards (1972-2009)

Sign The Petition Against CJC by Clicking this LINK

Noise/Sound Art Jam Wasakan sa Espasyo Siningdikato

Jamming ng mga peeps mula sa iba-ibang genre ng musika na nag-fuse tungo sa isang makabuluhang ingay para sa sining.

Photos by Abet Esguerra

Guitar: Bobby Balingit (The Wuds, Juan Isip)

Vocals/Spoken Word: j.luna (Tom Estrella and the Shadows)

Electronics and other Gadgets: Cris Garsimo/Blend:er (EXIST, Gangan Ensemble)

Percussions/Bamboo Flute/Dijembe etc: JP Hernandez, Bryan, Egai Roxas, Job

More photos sa: http://monkeywrench.multiply.com/photos/album/220/ESPASYO_-_SiningDikato?replies_read=20#


Salamat kay Blend:er sa mga pics at sa pag-imbita sa Wasak na event na ito.
Rakenrol.







Kung Paano Winasak Ni Giselle Ang Aking Pagkawasak

This summary is not available. Please click here to view the post.

Sunday, July 26, 2009

Sick RetroShit....Ang Misteryoso't Mabangong Kisses


Ang Kisses ba talaga'y nanganganak pag-inilagay sa bulak?

Wednesday, July 22, 2009

The Tao Of Pinya (ayon kay Pauline Balba)


Kausap ko si J Luna kahapon, nilelecturan niya ko tungkol sa larong Kisses (na sayang daw dahil hindi ko inabutan), Benjie Zax and the Alien Prince at Pinya.

Na ang Pinya daw ay hallucination lamang, isang imaheng ginawa ng mga sinaunang tao mula sa isang alamat ( alamat ng pinya , na malamang ay alam mo ang kuwento)--na hindi naman talaga isang tunay na alamat, kundi isang kuwento lamang ng kung sino, kung saan lumikha siya ng isang bagong elemento, bagong kaisipan at paniniwala sa anyo ng isang bagay na tinawag niyang Pinya. At dahil hindi naman uso ang TV Radyo at Internet noon, walang choice ang mga tao kundi maniwala sa mga kuwento-kuwento para maaliw.

Sa ginawang imahe ng kung-sino-mang-kuwentistang-ito-na-hindi-pa-napag-aalaman-kung-sino, tungkol sa Pinya na isang prutas-kunong hango sa isang ulo ng tao ang hitsura, bilang meron itong spikes na buhok (kung saan na rin hinango ang sikat na sikat na spikes hairstyle ngayon) at mukhang may mga mata, at bilang creative add-on na rin siguro ng hindi kilalang kwentista, dinesregard na niya ang paglalagay ng tainga, ilong at bibig sa halip tinadtad na lang niya ng mga mata ang mukha, at whoala pinangalanang Pinya ang Pinya--

Mababasa ang buong diskurso tungkol sa Pinya sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito