PWES, 'wag nang malungkot dahil heto ang mga gift ideas na siguradong makapagpapasaya sa inyong mga kaibigang macho at cool na cool.1. Unisilver o Silverworks shit... Kahit sinong pogi ay mas pu-pogi lalong lalo na kung mayroon siyang suot na bracelet at kuwintas na silver. Dahil dito mags-stand out ang iyong mga ka-bro sa tuwing iinom kayo sa meatshop (Xavierville). Siguradong kaiingitan ng mga di gaanong Tunay Na Lalake ang tropa mong Tunay Na Lalake sa oras na mapansin nila ang kakaibang appeal ng tropa mo sa mga chikas sa paligid.
2. Cross training shoes, na may shit sa suwelas (Nike, Asics o New Balance).... Bagay na bagay sa mga boys night out. Patok sa mga chicks lalo na kung ipapares sa malaking t-shirt at maong o khaki na shorts.
3. Hairwax at gel...Siyempre, mas maangas at matikas ang dating ng kahit sinong naka-spike na buhok o mullet kung matigas ito. Siguradong hahabulin ng chicks ang tropa mo at matutuwa siya sa iyo.
4. Salamin na makapal ang frame... Nakakadagdag ng mysterious at intellectual na dating sa kakisigan ng parekoy mo. Siyempre na digs na digs ng mga chicks ang sinumang mala-Superman.
6. Hair wax at Gel uli... Para pag-naubos ang stock niya, meron pa for emergencies.
7. At siyempre, REDHORSE beer.... Ang pinaka-magandang inumin kung may kasama ang tropa mong mga chicks. Tama ang tama, dahil ito ang tama. Ngunit hinay-hinay lang dahil ang tama ay sa tiyan inilalagay, hindi sa ulo at lalung-lalo nang hindi sa mga toilet bowl, hagdan at sahig ng mga tambayan sa Katipunan.
Ngayon alam mo na kung ano ang mga bagay na digs ng mga tropa mong Tunay Na Lalake!Siguradong sa paskong darating o sa mga susunod na bertdeyan ay magiging kumpleto ang male bonding, magiging bida ka sa kanilang mga pusong maton at mas mapapalapit ka sa mga mahal mong tropa sa tunay na makalalakeng paraan!

No comments:
Post a Comment