Pero masarap daw ang food trip dun at siyempre cool ang peeps dun (Jay-R the super cook, Robert, Ate Belen etc), kaya pinopromote ko ito...... At natikman ko naring magluto si Jay-R (WASAK!!! The best papaitan ever), kaya alam kong good trip ang food trip dito. At siyempre madalas naming mapansin na wasak ang mga chikas na tumatambay dito. 
At dahil dehins ko pa natitikman ang chibog dun, i-click niyo nalang ang link sa baba ng paragraph na ito para makakita kayo ng pics ng mga chicha at REBYU tungkol sa foods sa Tomato Kick mula sa isang taong naka-chibog na dito.
------> TOMATO KICK<-------
Siyempre may mga cool paring option sa paligid kung talagang tight ang budget mo. Puwede kang chumibog sa MEALS TO GO sa Philcoa. 35php-55php ang chicha dito with free extra rice.
Kung wala ka rin pang-inom, dun ka nalang sa katabing bookstore, friendly ang peeps dun at pwedeng maki-shot. At dahil tambay din sa Bookay-Ukay sila Jay-R, para ka naring nasa Tomato Kick.
*Pakiusap sa mga umiinom sa Tomato Kick, pakisoli lang po ang mga bote matapos gamitin...Magagalit si Ate Belen. Promise, maputol man ang burat ko.
ang BOOKAY-UKAY BOOKSTORE, TOMATO KICK, 55INK at ORANGE SEGMENT ay MATATAGPUAN SA 55 MAGINHAWA ST. UP VILLAGE, DILIMAN sa KYUSEE...
photo: Hindi si Jay-r at si Ate Belen ang nasa Pic....Si Paulo at si Mara yun (The Owners)







