Wednesday, July 22, 2009

The Tao Of Pinya (ayon kay Pauline Balba)


Kausap ko si J Luna kahapon, nilelecturan niya ko tungkol sa larong Kisses (na sayang daw dahil hindi ko inabutan), Benjie Zax and the Alien Prince at Pinya.

Na ang Pinya daw ay hallucination lamang, isang imaheng ginawa ng mga sinaunang tao mula sa isang alamat ( alamat ng pinya , na malamang ay alam mo ang kuwento)--na hindi naman talaga isang tunay na alamat, kundi isang kuwento lamang ng kung sino, kung saan lumikha siya ng isang bagong elemento, bagong kaisipan at paniniwala sa anyo ng isang bagay na tinawag niyang Pinya. At dahil hindi naman uso ang TV Radyo at Internet noon, walang choice ang mga tao kundi maniwala sa mga kuwento-kuwento para maaliw.

Sa ginawang imahe ng kung-sino-mang-kuwentistang-ito-na-hindi-pa-napag-aalaman-kung-sino, tungkol sa Pinya na isang prutas-kunong hango sa isang ulo ng tao ang hitsura, bilang meron itong spikes na buhok (kung saan na rin hinango ang sikat na sikat na spikes hairstyle ngayon) at mukhang may mga mata, at bilang creative add-on na rin siguro ng hindi kilalang kwentista, dinesregard na niya ang paglalagay ng tainga, ilong at bibig sa halip tinadtad na lang niya ng mga mata ang mukha, at whoala pinangalanang Pinya ang Pinya--

Mababasa ang buong diskurso tungkol sa Pinya sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito

No comments:

Post a Comment