Friday, December 19, 2008

Artista, Paano Kami Kung Wala Ka?


Isang Pagpupugay sa Mga Tunay na Alagad ng Sining: Artista, Dapat Kang Galangin....

Parte na ng buhay ng mga Pilipino ang panunood ng sine at ang pagtangkilik sa mga palabas sa TV. Dahil sa TV at Sine, nalilimutan ng mga Filipino ang hirap ng buhay at kapaguran sa trabaho.

Dahil sa sayang kanilang ibinibigay sa atin, dapat nating ituring na bayani ang mga artista na walang pagod na nagbibigay ng aliw sa ating mga pusong may lumbay at ngiti sa ating mga labi.



Dahil sa kontribusyon ng mga artista sa pagbibigay sa atin ng aliw, isang kaugaliang Filipino na dapat nating pahalagahan at pagyamanin ay ang pagkakaroon ng paghanga sa mga artista.








Pero sa panahon ngayon, parang wala nang paggalang ang mga kabataan sa mga pinagpipitagang alagad ng sining. Nakakalungkot itong isipin.

Sana ibalik ng respeto....Sana'y 'wag patayin ng mga kabataan ang dati nang nakagisnan!


IBALIK ANG PAGSASABIT NG SAMPAGUITANG KUWINTAS SA LEEG NG MGA ARTISTA SA MGA VARIETY SHOW!!!!!

2 comments:

  1. nice blog entry about artists.. nakakahiyang aminin pero di ko kilala yung mga larawan ng mga artistang ginamit mo.. kailngan ko pang tanungin kuya ko para makilala ko sila hehe.. nice....

    ei i lilink kita ok? anyway.... i'm franz from FW.... siguro nmn naaalala mo ko dahil kacocoment ko lang sayo dun sa ginawa mo...]

    ReplyDelete
  2. Pare, parody yun... Hehehe..

    Sila Roldan Aquino, Jovit Moya, Gardo Versoza at Amay Bisaya yan.

    ReplyDelete