Ang Putang Inang Paglalakbay ng Isang Hindot na Talunang si j.luna sa mundo ng pag-ibig
"Loaded ito pre', siguradong patay ang kupal na tatamaan nito.”,
Sabay kasa. Click.
"Patay kang bata ka.” , Itinutok ito sa akin at ginaya ang kilos ng mga action star sa TV.
“Tang ina, ‘wag kang magbiro ng ganyan. Delikado itong balak natin.”
“Gusto mo bang makabawi, o hindi? Pre, para sa iyo itong gagawin natin.”, entra ni Al.
“Pare, natatakot ako.”
“Tignan mo yang mukha mo, tang ina, warak na warak e! Buti nga di ka tinuluyan ng hindot na putang inang yon. Maghilamos ka nga!”
Nagpunta ako sa lababo, binuksan ang gripo, tapos naghilamos.
Nagkulay pula ang tubig, Tang-ina, grabe ang lagay ko.
*
Ang bilis ng takbo ko sa Taft. Umiiyak ako. Namamanhid ang hindot na mukha ko—hindi ko alintana ang mga putang-inang taong nakatitig sa akin.
Ano bang paki’ nila? Sila ba ang putang inang nasaktan?
Huminto ako sa isang fastfood sa Faura. Dito nagtatrabaho si Al. Nagpa-excuse siya sa CM niya, at nagusap kami.
*
“Pre’ ano ba yang napasukan mong gulo?”
Ikinuwento ko ang putang inang nangyari.
“Text ko si Jo, punta ka ngayon sa kanila. Hintayin niyo ako, ayusin natin ito.”
*
Pagkahilamos ko nagpunta ako sa sala.
“Al, di ba classmate mo dati si Dan?”
“Oo, kaya nga alam ko kung san nakatira yun e.”
“Pre, tara lumakad na tayo.”
Inihagis ni Jo kay Al ang susi.
“You drive.”
“Pre’, eto o tubo.”
“May dala na tayong bakal, aanhin natin yan?”
“Props.”, sbay tawa.
Lumabas kami ng bahay at lumakad na kami.
Mga alas-diyes na noon. ‘Lang trapik kaya walang sabit na natahak namin ang papuntang Blumentritt. Habang umaandar ang kotse, nakasilip ako sa bintana.
Ang ganda ng kalsada pag-gabi, hindi ko tuluyan napigilang magmuni-muni…
Ang lungkot ng kalsada, tahimik.
Kahit payapa sa pandama, ramdam ko parin ang lungkot ng paligid.
*
Una ko palang nakita, nagustuhan ko na ang ganda niya. As in tang ina, nahulog. Pero natakot ako.
Tinalo ako ng hindot na kabobohan, katyopehan at hindot na kaduwagan.
Natakot akong mabasted.
*
Sa tropa bukambibig ko ang pangalan niya. Putcha, mukha na nga raw akong Lalaine, Lalaine, Fuck! Ang lakas ng tama ko sa kaniya.
Kalat na kalat nasa mga homies ko na patay na patay ako a kanya.
Pero, bullshit, kumilos ba ako? Hindi.
Jackol na lang at ligaw tingin, ika nga.
Anong ginawa ko?
Text.
Mga sulat sa pilas ng notebook na ipinapaabot sa ibang tao.
Text sa umaga: “Gudam. :)” Text sa hapon: “Gudeve. :)”
Puro text at pangarap, pero pag dumadaan na siya, wala. Tameme na ako. Urong ang bayag.
Eto ang shit sa akin e, gustong gusto ko ang tao pero ‘di ako gumawa ng move.
Bullshit, takot akong mawala siya sa akin. Ayokong masaktan.
Puta, di ako gumawa ng hakbang para mapunta siya sa akin.
*
“Oks ka lang ba?”
“Oo.”
“Nandito na tayo, anong plano?”
“Bababa ako. Hahanapin ko si Dan. Paglumabas ang kupal, lumabas kayo ng kotse tapos papasamahin natin siya. Dalhin natin sa kung saan, dun sa papuntang Pampanga o pa-Cavite. Bahala na. Cavite na lang, mas kabisado ko yung lugar na iyon.”
“Shit pare, far north, far south yang trip mo ha. Fuck you ka.”
“Cavite na lang.”
“Okay, tapos itututok ko agad ito, para hindi na umimik.”
“Jo, ‘wag na. Iabot mo nalang sa akin ang baril. Sa akin siya may atraso.”
“Oks. Ikaw ang bahala.”
*
“Gago, kumilos ka na. Maraming may gusto kay Lalaine.
“Fuck you, iwas sa tao yun, conservative yun. Di pa nga nagkakasyota yun e. Timing lang pare, kikilos ako. Tsaka sa ganda nun, kahit sinong kupal titiklop dun. Ako ang bahala. Basta pre, pagnakita mo si Lalaine, pakisabi na lang na hi sabi ko.”
“Shit, pare ang bagal mo.”
Maya-maya pa’y dumaan si Lalaine.
“Pre, ayun o!”
Tumayo si Tom, “Hi Lalaine!”,
Humarap ang chick, kumaway ang buong tropa, naki-kaway na rin ako.
“Tang ina, ang bopols mo dude!”
“Puta, dumaan na di pa nilapitan.”
Namula akosa hiya.
“’Wag kayong atat, diskarte ko ito. Akong bahala.”
Kinabukasan, nakasalubong ko si Lalaine. As usual, tumungo lang ako. Shit! May lalakeng kasama, dala ang bag niya.
Sumikip ang dibdib ko. Binilisan ko ang lakad, natuliro ako. Lakad, pabilis ng pabilis hanggang makarating ako sa gilid ng English Dept, malayo sa mata ng mga tao. Walang makakita sa akin. At nung oras na iyon, para akong timang na umiyak ng umiyak.
*
Nakasalubong ko si Lalaine sa Maceda Hall, at tulad ng dati, yumuko ako. Paglagpas niya, tumalikod ako at hinabol ko siya ng tingin. Ang bopols ko, di ko tinignan ang nilalakaran ko.
*
Nang malaman nilang sinagot na niya si Dan, sinisi nila ako. Mabagal daw ako. Bading. Walang balls, betlog, titi, bayag. Kulang daw ako sa diskarte. Hindot daw ako. Duwag. Duwag daw ako.
Isang araw nakita namin si Lalaine, kasama ang ubod ng angas na varsity niyang syota.
“Pare, alam mo ba kung ano ang kulang sa iyo? Betlog!”
Sabay tawanan.
Biglang sumiryoso kami nang nagsalita si Jo.
“Pare, kilala ko yan. Ang macho nyan, ang tulis. Pustahan kakantutin lang niyan si Lalaine.”
Habang nagsasalita si Jo, nakita namin sa di kalayuan na nag-kiss ang magsiyota.
“Pare, ang yabang. Gusto kong gulpihin yan.”, sabi ni Tom.
Napatahimik kaming lahat at nagtinginan.
*
Hindi ko tinignan nag nilalakaran ko.
Blag!
May nabangga ako. Nahulog sa sahig ang papel, binder at folder.
Yumuko ako upang tulungang pulutin ang mga nalaglag na gamit.
“Pare, gago ka ha! Hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo! Pare, bakit tinitignan mo ang siyota ko?”
Si Dan pala ang nabundol ko. Nahuli siya sa paglalakad kay Lalaine, dahil ang dami niyang dalang gamit. Tang ina, sabit ako.
“Pare, pasensiay na.”, namula ako sa hiya, huling huli niya akong nakatingin kay Lalaine, ang trophy niya.
“Teka, di ba ikaw si j.luna? Putang ina mo. Ikaw nga! Ikaw yung tinuturo sa akin ni Lalaine na nanghaharass sa kanya. Putang ina mo, bakit ka text ng text sa siyota ko?”
Hindi na ako umimik. Tang ina, nangh-harass? Ganun ba ang pakiramdam ni Lalaine sa pagpaparamdam ko? Shit!
Buti nalang at maraming tao kaya walang violence na nagyari.
“Tang ina mo! May araw ka rin sa akin!”, banta niya.
Yumuko na lang ako. Putang ina, ang laki ng agwat ng height niya sa akin.
*
Kumatok ako sa pinto.
toktoktok
*
Lumabas ako ng campus para mag-yosi.
May tumapik sa akin.
“May pag-uusapan tayo.”
Dinala niya ako sa isang makitid na eskinita malapit sa Ayala at San Marcelino.
Medyo madilim na at wala masyadong tao. Masama ito.
Natatakot ako, ang bilis ng tibok ngpuso ko. Putang ina, ano ba itong gusot na pinasok ko.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong tumakas.
Hindi nako nakaimik at naramdaman ko ang kanyang kamao na tumama sa sikmura ko napaluhod ako ulan ng mga suntok sipa tadyak sapok dagok hindi na ako nakatayo ‘di nako nakailag ni hindi man lang ako nakasangga sa kanyang ginawang pag-atake
*
“Tao po.”, bumukas ang pinto. Isang batang babae.
“Sino pong hanap mo?”
“Andyan ba si Dan?”
“Ma, may humhanap kay kuya.”
“Si Dan ba? Sino ba sila? Gabing gabi na ha.”
“Good evening po ako po si Rom, ka-eskuwela niya. May importante lang po na itatanong.”, siyempre di ko ibinigayang tunay kong pangalan.
“Teka lang iho, tatawagin ko lang.”
“Friend mo si kuya?”
“Pmel, wag mo siyang kulitin. Iho, pasensiya na ha. Tatawagin ko lang si Dan. Napaano nga pala yang mukha mo?”
“Nahulog po ako sa hagdan.
*
Hinawakan niya ako sa kuwelyo, ini-angat at isinandal sa pader. Dinuro ang dumudugo kong nguso.
“Layuan mo ang siyota ko.”
*
Nagulat si Dan.
“O! Anong ginagawa mo dito?”
“Mag-usap tayo! Halika!”
“Anong paguusapan natin?”
“Basta.”, sumama naman ang kupal.
Nakarating kami sa poste sa tapat ng compound nila. Nandun ang kotse.
Lumabas si Jo at si Al, tangan ng isa ang tubo at hawak ng isa ang baril.
Kitang kita ko ang takot sa kanyang putang inang mga mata. Napaatras siya.
“A-ano ito?”
*
Iniwan niya ko. Sabog ang mukha. Bugbog sarado.
Noong oras na iyon si j.luna naang pinakamalaking talunan sa buong mundo.
Nagtatakbo ako sa kahabaan ng Taft. Umiiyak na parang bata. Lahat ng putang inang mata ng hindot na Kamaynilaan ay nakatitig sa akin. Kinukutya nila ang pinakamalaking talunan sa buong mundo.
*
Dinala namin siya sa isang maliblib na bakanteng lote sa Anabu, Imus, Cavite. Kaunting hampas ng tubo kaunting sapak sa mukha, sapat na bugbog at tadyak at maraming masasakit na salita mula sa mga mahal kong tropa. Tahimik ko silang pinapanuod.. Hinahanda ang sarili sa mga mangyayari. Maya-maya’y inabot na sakin ang baril.
Kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hawak ko ang kanyang buhay. Lumapit na ako. Itinutok ko ito sa kanya.
“Pare, wag.”, bulong ng halos di na makapagsalitang si Dan.
Di siya makapagsalita ng maayos, alam kong tila may nakabara sa lalamunan niya. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyon.
Sumenyas ang tropa, hudyat upang ituloy na ang plano.
*
Sa aking pagtakbo nadama ko ang liit ko laban sa mundo. Nadama ko na wala akong laban. Nadama ko na ako ay talunan.
*
Lumuhod siya at humagulhol. Kumapit siya sa binti ko. Hindi na siya makapagsalita.
“Tumayo ka.”, ayaw niya pa ring tumigil.
Humagulhol ang ugok na parang sanggol.
Hinawakan ko siya sa kuwelyo at itinayo.
Nanginginig siya. Nakakatawa ang hitsura.
Ewan ko kung bakit natakot nanaman ako.
Di ko magawa ang plano kong gawin sa kanya.
May pumipigil sa akin.
Pinagpag ko ang t-shirt niya.
Tinapik ko ang kupal sa balikat, at ako ay tumalikod at nag-lakad palayo.
Nakatingin sa akin ang mga tropa ko.
Tila nagtatanong ng “Ano na? Paano na ang plano?”
*
Ang kirot pa rin ng mga pasa ko.
Putang ina, grabe ang lagay ko. Tumingin ako sa salamin.
“Tang ina mo j, umurong nanaman angbayag mo.”
Hindi nila ako sinisi sa biyahe naming pauwi, tahimik lang ang tropa.
Alam kong naiintindihan nila ako. Simula pa noong nagkakilala kami ay ganito na ako.
Isa na namang yugto ang dumaan sa putang inang buhay ko.
Wala na namang nangyari.
Talunan nanaman ako.
*
Nakalimutan ni Jo na kunin ang baril sa akin.
Tinignan ko ito.
Tahimik itong nakapatong sa ibabaw ng mga hinubad kong damit na nakapatong sa kama.
Naalala ko si Lalaine.
Naalala ko si Dan.
Naalala ko ang layo ng tinakbo ko habang dumudugo at kumikirot ang warak kong mukha.
*
“Loaded ito pre', siguradong patay ang kupal na tatamaan nito.”,
Sabay kasa. Click.

No comments:
Post a Comment